Leo Ventura
Nag-simula si Leo Ventura sa McBride bilang taga-bistay at taga-giling ng mga materyales hanggang siya ay maging blowing operator, injection loader, at ngayon naman ay sa warehouse in-charge sa preform. Bago siya ma-regular sa trabaho, siya ay naging under ng iba’t ibang mga agencies kung saan kadalasan ay natatagalan ang dating ng sweldo. Ayon kay Leo, siya ay nakipagsapalaran sa Maynila nang walang wala. Kwento niya,
“Nagsimula ako dito, galing ako sa probinsya, walang wala. Pero nang pumasok ako sa McBride, nakapagipon ako. Hanggang sa masabi ko na nakakakain na ako ng maayos. Pati ang pamilya ko hindi na nagutom.”
Hindi lamang kaalaman sa trabaho ang nakuha at natutunan ni Leo sa McBride. Ayon sa kanya, natuto din siyang magbigay ng malasakit at respeto sa bawat isa nasa mababa o mataas na posisyon ka man. Nakita rin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagintindi sa opinyon ng bawat isa para sa ikabubuti ng team at ng buong kompanya.
Dahil sa kanyang tiyaga at pagpupursigi, unti-unti na niyang naiaahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Laking pasasalamat din niya na maliban sa trabahong ibinigay sa kanya, ay nabigyan din ng kompanya ng scholarship ang isa sa kanyang mga anak. Sa loob ng 18 years na pamamalagi niya sa McBride, napansin niya kung paano sila inalagaan at itinuring na parang pamilya ng kumpanya. Mula sa pabigas, hanggang sa pagpapaabot ng tulong tuwing nagkakaroon ng sakuna lalong lalo na sa panahon ng COVID-19.
Comments