Rico Solares
Taong 1999, nakapasok si Rico Solares sa McBride nang sabihin sa kanya ng kanyang kuya na nangangailangan ang kompanya ng karagdagang manggagawa. Dahil sa kagustuhan niyang matutong mag-operate ng mga makina, pinagaralan niya ito tuwing may break time. Matapos ang tatlong araw, siya ay naging machine operator na ng kompanya. Natuto din siyang magkumpuni nito kapag hindi masyadong mabigat ang problema ng makina.
Maliban sa pagkakaloob ng trabaho, madami na ring naitulong sa kanya ang McBride. Isa na rito ang mga tulong pinansyal na ibinigay sa kanyang pamilya noong namatay ang kanyang mga magulang. Malaking tulong din kay Rico ang pagbibigay sa kanyang anak ng scholarship at pagpapatira sa kanila sa dating opisina ng kompanya. Ayon kay Rico,
“Kung wala ang McBride, hindi ko alam kung ano ang takbo ng buhay ko ngayon. Lahat na yata ng tulong naibigay nila sakin. Kaya ang laki ng pasasalamat ko kay McBride.”
Sa 21 na taon ni Rico sa McBride, madami na ang nagtatanong sa kanya kung ano ang sikreto kung bakit siya tumagal sa kompanya. Para sa kanya, simple lang naman ang kailangang gawin ng mga tao, ito ay ang pagigihin at mahalin ang kanilang trabaho, huwag masyadong magreklamo, at sundin ang mga iniuutos. Dahil sa kanyang husay at pagmamahal sa trabaho, siya ay nagtagal at isa na rin sa mga pinagkakatiwalaan ng kompanya.
Comments